Pampanga Liturgical Seminar - April 22 to 23, 2005
Tuesday, May 31st, 200516 May 2005
11:30 pm
Ilang araw na rin mula nang tanggapin ko ang atas na sumulat ukol sa kauna-unahang “Liturgical Seminar” na isinagawa na Canto Cinco. Canto Cinco, ang isa sa (di hamak!) pinakamahusay at tunay na makabagdamdaming kumanta na grupo ng mang-aawit sa mundong ibabaw…(Eto ay kung pipilitin nating ibaon sa limot ang mga pangyayari sa Benefactor’s meeting at pati na rin sa ABS-CBN =}.)
Sa pagbibigay ng aking “OO,” ‘di ko inaasahang mahihirapan akong simulan ito. Hinding-hindi nalalayo sa pakiramdam noong unang pagkakataong tinanggap ng Canto Cinco ang hamong magsagawa ng seminar.
Tulad rin ng sa pagsusulat, kapag nagpagtagumapayan mong labanan and takot, “initial blank state,” o simpleng katamaran, at sinimulang harapin ang itinalagang hamon, kusa na lamang naisasaayos and lahat. “Everything falls into place”, ika nga.
Hindi naging madali ang paghahanda para sa seminar. Mula sa pagsasaayos ng module (salamat Abbey, Persia and Tricia), pagpili ng mga kanta (initial), pagpili ng mga soloista, pageensayo, pagsasailalim sa isang personality development session (dito itinuro ang tamang tindig, paglalakad, pag-upo, pagsakay sa jeep, sa bus, sa tricycle…=}hehe); paghahanda ng materyales para sa evaluation, recording ng vocal exercises (salamat Willan, Persia, Tricia at sa mga recording artists natin), paghahanda ng sasakyan, pagpili ulit ng mga kanta (final), hanggang sa pangungulit ng kung sino sa atin ang siguradong makakasama.
Dumating na ang gabi bago ang nasabing seminar, pero marami pa ring pag-aalinlangan ang bumabagabag sa amin, sa atin. Samahan mo pa ng mga kuwento at “live horror experience” ng ating mga “I SEE DEAD PEOPLE WALKING” awardees.
Hayun. Ako mismo, 2 oras lang ang tulog. Ni-review ko pa kasi ang ibabahagi ko kinabukasan. Kinailangan din naming gumising ng alas-singko ni Celina upang makapagsimba ng alas-sais sa isang malapit na monasteryo. Hindi tuloy naiwasang ipagpatuloy ang naudlot na tulog, bagama’t panakaw, doon sa simbahan.
ALMUSAL
Ang sarap! Salamat kay Jane at sa mommy nya na nagluto.
10:30am
SMALL-GROUP SHARING
Kung iisipin, parang madali lang magfacilitate. Pero sa ganung kalaking grupo, na kinabibilangan ng mga beterano at kabataan ng iba’t ibang Koro sa Angeles, hindi madaling simulan ito. Lalo na kung nataong naubusan ka na ng partner na Canto Cinco at naiwang mag-isa. Waah.
Magkakaiba ang mga karanasang naibahagi sa amin ng mga participants. Sari-sari ang kuwento ng bawat isa ngunit malinaw na lumabas ang tatlong kadahilanang nagbubuklod sa ating mga mang-aawit ng SIMBAHAN. Pananampalatya, pag-ibig kay Kristo at kapwa, at ang malalim na pagkahilig sa musika.
AFTER LUNCH
“KAPAYAPAAN” Panalo ang actions ng kanta. Natuwa ang mga tao sa pag-aaral nito.=)
BASIC VOCAL TACHNIQUES & EXERCISES
I gave it my best shot. I was so jittery, at first, that everything kept falling off the desk. The marker, my notes, the eraser, and GOD knows what else until someone said… “RELAX.” Till now I’m not sure if it was from Canto Cinco or the participants, but it worked like magic and quitted my nervouseness. Kung sino ka man, salamat =).
Kinakailangan ko lang magpakatotoo at aminin sa mga tao ang kaba ko.
Panalo rin ang drawing ko ng vocal cords
Square.
Sa sususnod, octagon naman.
Ang ganda ng partisipasyon ng mga tao. Interesado sila. Ang husay rin ng Canto Cinco magturo one-on-one. Salamat mga kapatid! Celina, you did well, Salamat.
Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang malalim na pagmamahal ko sa musika, lalong lalo na sa aspeto ng pagkanta. Nag-uumapaw ang pagmamahal ko rito kung kaya ang sarap din ibahagi sa iba.
Sa ibinigay ninyong pagkakataon Father JB, salamat!
FR. JBOY & THE WORKSHOP
It’s a given.
Ang husay ng paring ito.
‘Ni wala man lamang akong napansing umidlip, o ‘di kaya’y tumulala sa kawalan. (Maliban sa mangilan-ngilan sa C5 na nabiktima ng mga kuwentong kababalaghan ni ALLAN =) noong nakaraang gabi. Mga soloista pa naman…wawa…puyat.)
Maliwanag ang pagtuturo at pagsasahalimbawa ni Father kaya naman hindi rin masyadong nahirapan ang mga tao sa workshop. Pinangkat-pangkat naming sila muli at namili sila ng mga akmang kanta para sa “liturgical event” na itinalaga sa kanila. Naging maayos ang lahat, bagama’t napansin ko na hindi talaga maiaalis na magtalo-talo ang ilan sa kung anu-ano dapat.
THE END
Tinapos namin ang araw sa isang misa. Hindi maipagkakaila ang pagod ng lahat, ngunit bakas naman ang saya sa mukha at ngiti ng mga tao. (Lalo na sa mga participants nung sabihing mamimigay ng libreng CDs =}.)
Sa kabuuan, nakakaubos man ng lakas, naging masaya at makabuluhan ang unang litsem ng C5. Umuwi kaming busog — ‘di lamang ang tiyan, kundi pati ang mga puso. (Lalo na sa mangilan-ngilan na nagging
heart throb.SUS!)
Sa lahat ng tumulong 24/7 man o hindi, maliit man o malaki, abot-abot ang pasasalamat ng buong grupo sa iyo.
Sa mainit na pagtanggap ng mga kaibigan natin sa Angeles, Pampanga – Dakal a Salamat! (maraming salamat!)
At sa Diyos na tunay na nagsagawa ng lahat, papuri’t pasasalamat Panginoon!
“Itaas na sa Kanya ang mga himig at Kanta.
Tula’t damdamin, mga awitin
Lahat na ay Inaalay sa Kanya!”
~SHEILA


