Refresh!… Yan siguro ang akmang tema na pwede nating gamitin upang isalarawan ang katatapos lamang na general assembly ng Canto Cinco noong Sept 18. Maraming masasaya at makabuluhang panyayari ang naganap. Nandyan syempre ang "Pagbabalik ni Alex (ang inyong lingkod) sa C5". Hehe… Kasama rin ang sandamakmak na food courtesy of our siksik liglig at umaapaw na funds. Hehe.. (Kasama na rin dyan yung mga generous peeps na nag-ambag ng pera and food para mas lalong madami ang ngangatain ng mga people). Nakita natin kung gaano kaganda ang place nila Jett… Whew! Mukang alam ko na kung san natin pwede gawin ang Christmas party (since ako ang organizer, i call the shots… Harhar!) Hehe… Joke lang Jett. Sa GA ring yan natin na-meet si doggy "Chaser" ang cutey pet dog ni Jett… Tama ba pagka-spelling ko ng ng Chaser, Jett?…
Dun rin po natin napagalaman na mag-iisang taon na rin pala ang grupo natin (in short, isang taon na rin pala tayong umiistambay sa Canto ng kalye Cinco… Hehe). Napanood natin yung video presentation sa history ng C5. Courtesy yan of course ng aking big bossing sa PubCom na si Woofy na sya ring tumatayong sweety hearty ng ating tagapamahalang pangkalahatan sa C5 na si Missssh Tricia. (Hellow madame?! Hehe).
Pero ang pinaka-importante sa lahat e nung binalangkas muli natin ang ating Mission-Vision. Actually, ang appropriate term siguro is "refreshing the identity of Canto Cinco". When each group presented their ideas sa C5 plenary, halos magkaka-konekta silang lahat. According to Fr. Jboy, that’s a good sign since kapag pare-pareho ang ideas ng grupo, it means na ginagabayan talaga tayo ni Lord… Amen to that! At least we now know kung ano na ba talaga ang status natin as a music ministry. I just hope and pray na mas lalong tatatag ang C5. Well as for now, yan na muna siguro ang aking kwento. Abangan nyo uli ang aking column dito sa C5 blog sa mga susunod na linggo… kita-kits sa Sonolux building. Hehe.
- Alex Perez
Coming soon: abangan po ninyo ang ating paparating na C5 Christmas party… and since ako at si Kuya Eric (ang mga taong perfect ang attendance sa C5… Hehe) ang mamamahala sa ating Christmas party, i-expect nyo na po na wala tayong Christmas party this year. Hehehe… Joke lang po yon. Para sa iba pang sked ng C5, just look at our yahoogroups at siyempre sa blog na ito… di ko kc memorize yung mga engagements natin e. Sowee. God bless… Mahal ko kayong lahat.