Archive for November, 2005

Canto Cinco @ BAYAN UMAWIT on IBC13, November 23, 8PM

Tuesday, November 22nd, 2005

Bayan_umawit "How I wept, deeply moved by your hymns, songs and voices that echoed through your Church! What emotion I experienced in them! A feeling of devotion surged within me, and tears streamed down my face — tears that did good"

(words of St. Augustine, as reprinted in the Catechism of the Catholic Church, par. 1157)

These words speak of how powerful liturgical music can be in moving one’s soul.
And it is the same power we felt in the BAYAN UMAWIT concert held on August 19-20, 2005 at the AFP Theater participated by Jesuit Music Ministry choirs, including CANTO CINCO. The concert will be aired on IBC 13 on Wednesday, NOVEMBER 23, at 8:00 in the evening.

This event was more than a concert; it was indeed a celebration –

celebrating 40 years of Philippine liturgical music after Vatican II;
celebrating God’s movement in the lives of many Filipinos;                           celebrating God in each of us.

"Great Concert! Soul filling." (Bro. Xavier Alpasa, SJ)
"Congrats on a great show, truly inspiring!" (Bro. Francis Alvarez, SJ)

Again, we invite you to watch BAYAN UMAWIT on Wednesday, November 23,
8:00 pm at IBC 13. (channel 15 pag cable, hehe)

~anne

CHRIST the KING- November 20, 2005

Thursday, November 17th, 2005

Mga Kaibigan at kapanalig…sa darating na linggo ay ipagdiriwang natin ang Kristong Hari. Ito ay isang napakahalaga at engrandeng pagdiriwang ng yukaristiya sa ating mga Katoliko. Kaya sa Linggo, ika-20 ng Nobyembre, 11:00 ng umaga sa U.P. Chapel ay samahan po ninyo kami sa pagsalubong sa ating Kristong Hari!!

Magkita-kita po tayo!!

Tambunting Ching

Tuesday, November 15th, 2005

Anne_1 Hindi ko malaman kung ano na nga ba ang dahilan ng pagbansag sa babaeng ito bilang "Ching" ng grupo. Basta isang gabi, "Ching" na lahat ang tawag sa kanya. Siguro’y dahil sa kanyang singkit na mga matang halos di mo na makita ‘pag siya’y nagbubungisngis… Maaari ring dahil sa kanyang kakaibang talentong magsalita ng intsik kahit wala naman talagang ibig sabihin ang lahat ng kanyang binigkas… Pwede ring dahil sa ‘pag masilyan mo lang siya, kahit na ba’t ikaw ay pagod, malungkot o bugnutin, makakalimutan mo ang lahat dahil mapapa-"Ching!" ka sa saya… Magbabago agad ang iyong mood. Tipong parang… "Ching!" Dapat masaya na ako dahil andiyan na si Anne

Ganun… Ganun ang effect mo sa aming lahat. At dahil diyan maraming salamat. Malaki ang naitutulong mo sa grupo. Maraming salamat sa pagpapasaya sa aming lahat… sa pag-imbento ng mga lyrics sa ating mga kanta…("Petron-petron gumising…" "Maxdan natin ang sinag ng tala…" "Church of Christ…" Hehe.)… sa pagluto at pagpapakain ng napakasarap na burrito… sa pag-ayos ng mga pyesa, mag-organize ng makabuluhang recollection, caroling, kasal at kung anu-ano pa… Maraming maraming salamat, Ching. Isa kang inspirasyon sa aming lahat… Seksi pa! Hehe…

We love you, ANNE! Belated Happy Birthday to you!

Sorry for the really delayed write-up. :)

TRICIA (",)

The True DIVO!

Friday, November 11th, 2005

Image131 Si Kuya Rey Malipot…Kung si Ate Roma ang diva, aba siyempre dapat may divo din at yan ay ang mahal naming si Kuya Rey..ang tunay na DIVO!

Masasabi naming small but terrible yang si Kuya Rey lalo na sa kantahan! Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng kantang "O Bayan ng Diyos"… Mga kaibigan, siya po ang magandang tinig na maririnig na nagbigay buhay sa awit na iyan (at siyempre pag napanood naman ninyo yung music video, kami (C5) naman ang mapapanood ninyo).

Si Manoi (iba pang tawag kay Kuya Rey na ang ibig sabihin ay "kuya") ay masasabi kong isang mabuting tao, mabuting kapatid at mapagmahal sa pamilya. Totoong magmahal… Masipag din sa trabaho at fashionista!

Kuya Rey, kahit medyo malayo ka sa’min ngayon at ‘di ka namin nakakasamang kumanta, ‘di ka namin nakakalimutan at uulitin ko, mahal ka namin… Lalo na ako, ang number one fan moh… Hehehe!! Magiingat ka palagi!

MALIGAYANG KAARAWAN KUYA REY!!

–rinapie

Isanlibo’t-isang Mukha

Friday, November 11th, 2005

Image634_2 Ron Dator. Sa pangalan pa lamang, mababakas nang isa nang parikala o ironiya ang taong ito. Kung ganong kasimple at straight-forward ang kanyang pangalan, gayon naman kasophisticated and versatile ang kanyang pagkatao.

Sa una, katauhan ng isang analyst ang mahihiwatigan kay Ron…isang taong maraming tanong, maraming sagot, maraming opinyon. Ang sabi ko nga’y pwede na siyang magtayo ng bangko ng mga ideya, takbuhan para sa mga taong nakakapos sa brain power.

Hindi maaaring ikaila ang kanyang matinding pagnanasa na maayos at mapalinaw ang mga bagay-bagay na nasa paligid niya kung kaya sa katagalan, nagmimistula na siyang ‘buzz boy’  Boy Abunda. Inaalam niya ang bawat kwento, ang bawat sikretong pinalalago ng bulung-bulungan, ito upang lalo pang maintindihan at mapalapit sa mga tao sa kanyang paligid.

Paglipas ng panahon, ang isang totoong Ron ang matatangalan ng suklob.  Nakilala ko ang Ron na mahilig tumawa, kumanta, kumain, maglaro ng Ragna, maghanap ng pianito. Ang Ron na napapaos, nacoconscious, napapagod. Dito nagsisimulang sumibol ang pagtitiwala na sumasanga naman sa napakagandang pagkakaibigan. Dito nakilala ko rin ang higit na pormal at seryosong Ron.  Ang Ron na masipag sa trabaho, ang Ron na sumusunod sa curfew, ang Ron na maalaga sa Lolo, ang Ron na nagpapahalaga sa pamilya at kaibigan. Sa pagkakataong ito, unti-unti niyang ibinabahagi ang misteryo ng kanyang pagkatao.  Kumbaga sa isang payaso, ito na ang panahon kung kailan niya tinatanggal ang kanyang maskara at ipinakikilala ang sarili niya sa totoong mundo ng walang pag-aalinlangan.

Si Ron… alinman man sa isanlibo’t isa nyang katauhan ang kanyang isuot, parati pa rin kaming (taga Canto Cinco) magpapasalamat dahil sa likod ng lahat ng iyon, nakilala namin ang isang natatanging kaibigan sa kanya.

Maligayang Bati Ron!

~edz~

Dee

Sunday, November 6th, 2005

Dee_1

Precious Aphrodite…

The eternal child…

She’s not immature though.

But she is blessed to go through her everyday life with the anticipation, hope and joy of a child.

Perhaps this is the very reason the sight of her baby smile can lighten up a person’s day.

Uncomplicated.

Uninhibited.

Good at Math. A good soprano. Good cook. Great Tita to her nieces and nephews.

A blessing to her family.

A blessing to everyone around her.

Happy Birthday Dee :)

Labshu.

Grow up..heheh jokey.:)

sheila

Padz

Sunday, November 6th, 2005

100_0018 I always tease Fr. Jboy with the remark that thankfully, he was not the first Jesuit I met before applying to the pre-novitiate or else i would’ve had second thoughts.  Kidding aside, I am happy that I met him and I am grateful for the gift of his person.  I mean, who else can pull off being naughty, funny, cranky, bossy, artsy, crazy and holy all at the same time?  Seeing him be himself as he works and relates with people is one of the many consolations i have received from the Lord.  in other words, he is one of the persons who makes me want to be a Jesuit. 

Happy Birthday Padz! :)

~dougs

November 6, 2005 - Mass at UP Chapel

Wednesday, November 2nd, 2005

Mga kaibgan, unang Linggo po ng Nobyembre kaya samahan po ninyo kami, CANTO CINCO, sa pag-awit at pagpuri sa Banal na Misa sa darating na Linggo, ika-6 ng Nobyembre, 11:00 ng umaga sa UP Chapel. Ang darating na Linggo ay isang espesyal na araw na naging extra especial dahil kasabay nito ang kaarawan nina Father JBoy at Precious kaya Maligayang Pagbati na din!!!Sana po ay magkita-kita po tayo…
~rina