Tambunting Ching
Hindi ko malaman kung ano na nga ba ang dahilan ng pagbansag sa babaeng ito bilang "Ching" ng grupo. Basta isang gabi, "Ching" na lahat ang tawag sa kanya. Siguro’y dahil sa kanyang singkit na mga matang halos di mo na makita ‘pag siya’y nagbubungisngis… Maaari ring dahil sa kanyang kakaibang talentong magsalita ng intsik kahit wala naman talagang ibig sabihin ang lahat ng kanyang binigkas… Pwede ring dahil sa ‘pag masilyan mo lang siya, kahit na ba’t ikaw ay pagod, malungkot o bugnutin, makakalimutan mo ang lahat dahil mapapa-"Ching!" ka sa saya… Magbabago agad ang iyong mood. Tipong parang… "Ching!" Dapat masaya na ako dahil andiyan na si Anne…
Ganun… Ganun ang effect mo sa aming lahat. At dahil diyan maraming salamat. Malaki ang naitutulong mo sa grupo. Maraming salamat sa pagpapasaya sa aming lahat… sa pag-imbento ng mga lyrics sa ating mga kanta…("Petron-petron gumising…" "Maxdan natin ang sinag ng tala…" "Church of Christ…" Hehe.)… sa pagluto at pagpapakain ng napakasarap na burrito… sa pag-ayos ng mga pyesa, mag-organize ng makabuluhang recollection, caroling, kasal at kung anu-ano pa… Maraming maraming salamat, Ching. Isa kang inspirasyon sa aming lahat… Seksi pa! Hehe…
We love you, ANNE! Belated Happy Birthday to you!
Sorry for the really delayed write-up.
TRICIA (",)