The True DIVO!
Si Kuya Rey Malipot…Kung si Ate Roma ang diva, aba siyempre dapat may divo din at yan ay ang mahal naming si Kuya Rey..ang tunay na DIVO!
Masasabi naming small but terrible yang si Kuya Rey lalo na sa kantahan! Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng kantang "O Bayan ng Diyos"… Mga kaibigan, siya po ang magandang tinig na maririnig na nagbigay buhay sa awit na iyan (at siyempre pag napanood naman ninyo yung music video, kami (C5) naman ang mapapanood ninyo).
Si Manoi (iba pang tawag kay Kuya Rey na ang ibig sabihin ay "kuya") ay masasabi kong isang mabuting tao, mabuting kapatid at mapagmahal sa pamilya. Totoong magmahal… Masipag din sa trabaho at fashionista!
Kuya Rey, kahit medyo malayo ka sa’min ngayon at ‘di ka namin nakakasamang kumanta, ‘di ka namin nakakalimutan at uulitin ko, mahal ka namin… Lalo na ako, ang number one fan moh… Hehehe!! Magiingat ka palagi!
MALIGAYANG KAARAWAN KUYA REY!!
–rinapie
August 21st, 2006 at 5:01 am
hehehe mag iisang taon na itong mensaheng ito at ngayon ko lang nabasa, pero ok pari atleast advance greetings mo na ito ngayon darating ko uling kaawaran sa darating na nobyiembre 2006, mis ko na rin kayo at ang umawit para sa KANYA!