Archive for March, 2006

Ang Biktor

Friday, March 17th, 2006

I know this is way overdue.. sorry Vic.. anyway, better late than never dba.. so here goes..

VicJanuary 18, 2006

VICTOR [Vik-tor] (noun) — "conqueror."

Sa lahat ng aking mga naging kaibigan, si Victor na ata ang nagmimistulang Superman. Ewan ko nga ba kung napapagod itong batang ‘to. Ang dami daming ginagawa ngunit parang relax lang, kayang kaya, “conqueror” nga. Isa siya sa aming mga BOY T (boy tigasin and boy tsuper among others). Siya ang aming dakilang drayber, kargador at taga-dum,dump,dum. Laging maaasahan. Laging nanjan pag kailangan ang tulong nya. Pero kung akala ninyo nagpapaka-BUSY itong si Vic, you’re wrong. Medyo carefree din siya. Aba e, you will often spot him at Timezone playing anything and everything he gets his eyes on. Kahit pala paglalaro kinacareer din.. hehe. Kakaiba talaga. But beneath this very sturdy character lies a softie. Isang matalik na kaibigan, karamay at ka-date (lalo na pag walang kalambingan sa Valentines..hehe..peace Vic). Sobrang comfy kasama itong si Vic, at hinding hindi ka mabobored kc panay kwento ito tungkol sa mga drama nya sa buhay.. madaldal in short, but in a good way..hehe. Papasa na sa Maalaala Mo Kaya ang mala-telenobelang buhay nya. Pero more than that, sobrang proud ako kay Vic. This person has indeed “conquered” a lot in his life, lalo na sa larangan ng pag-ibig. Kakaiba ito. Patuloy na nagmamahal sa likod ng lahat ng pagsubok na nadaan.J 

So Vic, kahit super duper late na itong greeting, BELATED HAPPY HAPPY BIRTHDAY pa rin sa’yo!!! May you “conquer” all of life’s challenges and reign VICTORious.

-edz